Wednesday, November 25, 2015

Ang kahalalan ang tangi kong Kayamanan

Nagsimula ng panginoong Hesukristo ay itatag ang kanyang Iglesia.

Mateo, 16:18 - At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

Tinawag ng mga apostol sunod sa pangalan ng panginoon Hesucristo.

Mga Taga-Roma, 16:16 - Mangagbatian kayo ng banal na halikBinabati kayo ng lahat ng mga Iglesia ni Cristo.

Iglesia ni Cristo ang pangalan, at ito rin ang  Iglesia na tinubos ng panginoon ng kanyang dugo.

Gawa 20:28 "Ingatan ninyo kung gayon ang  inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito'y hinirang kayo ng Espirito Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo"

-Lamsa Translation

Subalit ang Iglesia noon ay hindi nakapagpatuloy samakatwid sila ay natalikod sapagkat ang Iglesia noon ay pinasok ng mga bulaang propeta o tagapangaral at ito ay ipinagpauna ng panginoong Hesus at ng mga apostol na mangyayari.

Mateo, 24:10 - At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa.

Mateo, 24:11 - At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.

Mga Gawa, 20:29 - Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan;

Mga Gawa, 20:30 - At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan.

Ang mga babala na ito ng bibliya sa pamamagitan ng panginoong Hesus at mga apostol ay nangyari nga sa kasaysayan ng Iglesia. Naitala sa kasaysayan ang pagtalikod na ito ng Iglesia noong unang siglo at ito ay makikita sa mga aral na ngayon ay itinataguyod nito. Ito ang mga aral na taliwas sa mga aral na itinuturo ng banal na kasulatan. Ang ilan pa nga dito ay binanggit ng banal na kasulatan.

1 Kay Timoteo, 4:1 - Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,

1 Kay Timoteo, 4:3 - Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.

Subalit kung natalikod man ang unang Iglesia, may panukala naman ang panginoong Hesus tungkol sa kanyang ibang mga tupa na magiging isang kawan o Iglesia at magkakaroon ng isang pastor.

Juan, 10:16 - At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.

Tinawag na ibang mga tupa sapagkat hindi pa sila kaanib sa Iglesia noon sapagkat Sila ay tatawagin pa lamang ng Diyos mula sa malayo.

Mga Gawa, 2:39 - Sapagka't sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.

At sa kanya nga ipinagkatiwala ang huling gawain ng Diyos sa gawang pagliligtas, ang kapatid na Felix Y. Manalo.

Isaias, 46:11 - "Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.”

Hula ang naging patotoo ng kanyang kahalalan, isang taong nagmula sa silanganan ang inihalintulad sa ibong mandaragit sapagkat kanyang aagawin ang mga nasa apoy o kapahamakan.

Judas 1:23 “At ang iba'y inyong iligtasna agawin ninyo sa apoy.....

Ang dako na pagmumulan ay malayong silangan na kinaroroonan ng mga tatawaging anak ng Dios sa mga pulo ng dagat. Ang kinatuparan ng hula ay ang bansang pilipinas, isang bansa sa malayong silangan na binubuo ng mga pulo.

Isaias, 43:5 - Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at  pipisanin kita mula sa kanluran;

Isaias 24:15  “Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat.”

Hinulaan din ang panahon ng paglitaw, tinawag na mga wakas ng lupa sapagkat ito ang panahon na malapit ng ang wakas o katapusan ng sanlibutan. Mga senyales ay nangatupad ng lahat, digmaang aalingawngaw na kasasangkutan ng mga bansa laban sa mga bansa at kaharian laban sa kaharian, susundan ng mga paglindol, tagutom, at mga epidemya ng sakit.

Mateo, 24:33 - Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.

Mateo, 24:6 - At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.

Mateo, 24:7 - Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.

Mateo, 24:8 - Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.

Naitala nga sa kasaysayan ng daigdig ang kauna unahang digmaang pandaigdigan noong July 27, 1914 kaalinsabay nito ay sya ring paglitaw sa Pilipinas ng Iglesia ni Cristo ng iparehistro ito ng kapatid na Felix Y. Manalo sa pamahalaan ng Pilipinas. Maaring sabihin ng iba ito ay nagkataon lang, subalit mananatili ang katotohanang ang huling sugo sa katauhan ng kapatid na Felix Y. Manalo at ang Iglesiang ito ang kinatuparan ng hula at sapagkat ang Diyos ang nagpanukala nito, tiniyak din Nya na kanya itong gagawin at papangyayarihin.

Isaias, 46:11 - Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, AKING SINALITA, AKIN NAMANG PAPANGYAYARIHIN; AKING , PINANUKALA, AKIN NAMANG GAGAWIN.

Tunay ako'y mapalad, sapagkat ako ngayon ay bunga ng gawaing pinagpagalan ng sugo. Siya ay nanghawak sa mga pangako ng Diyos na pagtulong sa gawaing ipinagkatiwala sa kanya.

Isaias, 41:9 - Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;

Isaias, 41:10 - Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Dalisay na mga aral na mula sa Biblia ang kaniyang itinuro, at kahit ipinagpahinga na ng Diyos ang sugo, patuloy pa rin na tinatanggap ng Iglesia ang mga dalisay na aral ng Diyos sa pamamagitan ng kasalukuyang pamamahala sa katauhan ng kapatid na Eduardo V. Manalo. Hayag na hayag ang pagtatagumpay ng Iglesia sa kabuuan, patunay lang na hawak nya pa rin ang gawaing ito. Walang hanggan, akoy magpapasalamat sa Diyos at sa panginoong Hesukristo sa dakilang kahalalan na kaloob sa akin. At ngayon na ang Iglesia ay sumapit na sa kanyang ika- isang daan at isang taon , ang Iglesia sa kabuuan ay pinagtatagumpay ng Diyos. Subalit hindi maiiwasan na ang Iglesia ay makaranas ng mga pagsubok at mga pag uusig tulad din naman sa panahon ng sugo. Ang Iglesia ngayon ay nililigalig ng mga kaaway upang sirain ang mga aral at pagkakaisa nito. Ang mga ito ay hindi na bagong bagay sa Iglesia,  sapagkat dito kami inihahanda ng pamamahala na ipakipaglaban namin ang aming pananampalataya, pag- ibig at pag-asa. Itinuro nila na hindi maka iiwas ang Iglesia sa mga pagsubok at pag uusig sapagkat ipinagpauna na ito ng Diyos.

Zacarias, 13:8 - At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan.

Zacarias, 13:9 - At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.

Ang Iglesia ay nasa matinding pagsubok ngayun para subukin ang mga tunay na mananampalataya at upang linisin ang Iglesia at ito ay maihandang sakdal at walang dungis sa pagsalubong natin sa panginoong Hesukristo. Kaya tulad ng sugo at ng mga naunang kaanib sa Iglesia,  panghawakan nating mabuti ang ating kahahalalan upang huwag itong maagaw sa atin.

Ang kahalalan na ito ang tangi kong kayamanan, at sa mga ganitong pagkakataon ay hindi ko makakalimutang gunitain ang aking yumaong ama na siyang nagpamana nito sa amin. Salamat sa kanya at iminulat nya kami sa tunay na Iglesia at ipinakilala sa amin ang tunay na  pananampalataya. Kaniyang sinabi noon sa akin; "mahirap man ang buhay natin anak, wag mong pababayaan ang pagsamba sapagkat sa harap ng Diyos tayo ang mapalad, tayo ang may kahalalan sa tunay na pagsamba, ito ang kayamanan natin."

Ang kahalalan na ito ay hindi ko kailanman ipagpapalit sa kahit anung bagay sa mundo, maging anuman ang pagsubok at pag uusig na dumating, sapagkat sa Iglesia lamang ang tunay na kaligtasan dahil ito ang ililigtas ng Panginoong Hesukristo.

Mga Taga-Efeso, 5:32 - Ang hiwagang ito ay dakiladatapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia.

Mga Taga-Efeso, 5:25 - Mga lalakeibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;

Mga Taga-Efeso, 5:23 - Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesiana siya rin ang tagapagligtas ng katawan.

Ako'y patuloy na magtatalaga sa mga gawang paglilingkod sa Diyos at taus sa pusong pasasakop sa pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia.

I AM ONE WITH EVM


Tuesday, November 17, 2015

Dugo: Bakit Ipinagbabawal kainin?


Dugo: Bakit Ipinagbabawal kainin?



Madalas na gawing biro sa akin ng mga kaibigan ko at ng mga katrabaho ko ang pagiging kaanib ko sa Iglesia ni Cristo, sapagkat talagang kaiba sa kanilang paniniwala ang mga aral na aming sinusunod. Ang isa na rito ay ang hindi ko pagkain ng dinuguan sapagkat ito ay ipinagbabawal na kainin ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo.

Minsan tinanong na din ako ng isang malapit kung kamag-anak kung bakit ipinagbabawal na kainin sa Iglesia ang Dugo. Sinabi ko sa kanya na ipinagbabawal yun ng Dios at iyon ay nakasulat sa bibliya, ipinaliwanag ko din kung ano ba talaga ang kahalagahan ng dugo, subalit sa halip na sana'y positibong pagtanggap nya rito ay pagtutol ang narinig ko sa kanya na tila nainis pa sa naging sagot ko. Hindi ba dapat ay maging bukas ang ating isipan sa kung ano ang nakasulat sa bibliya, sapagkat sino ba naman ang tututol sa mga aral na nakasulat sa banal na kasulatan?

Minsan pa nga ay may nagsasabi sa akin sa tuwing tinutukso ako tungkol dito, kung bakit naman daw may kakilala silang kaanib sa iglesia na kumakain ng dinuguan? Ang laging sagot ko naman sa kanila , ay hindi naman ako yun o iba ako sa kanila, sapagkat ang mga ganoong uri ng kaanib sa iglesia ay hindi lubos na sumampalataya sa aral. Kaya sa tuwing ito ang nagiging usapan madalas na napapangiti na lang ako na tila sinasangayunan lang sila, subalit ang totoo ay nalulungkot ako, hindi dahil sa mga biro nila sa akin, kundi nalulungkot ako para sa kanila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa at ang buong katotohanan, na kung nalalaman lang sana nila ay hindi nila gagawing biro ito at sa halip ay kanila rin itong sundin. Kaya nais kung ibahagi sa inyo kung bakit ba ipinagbabawal ang pagkain ng dugo?

Ganito po ang itinuturo ng Bibliya;

“Kung paano ang pagkain sa maliit at malaking usa, ay gayon kakanin; ang marumi at ang malinis ay kapuwang makakakain niyaon. 23Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.24Huwag mong kakanin yaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig. ” (Deut.12:22-24)

(Lev.17:13“At kapag ang sinuman sa inyo, maging Israelita o dayuhan ay humuli ng hayop o ibong makakain, dapat niyang itapon ang dugo niyon at tabunan ng lupa.


Ang dugo ay ipinagbabawal ng Dios na kainin ng tao sapagkat ang dugo ay siyang buhay at hindi dapat kainin , binanggit din sa mga talata ng Bibliya kung ano ang dapat na gawin sa dugo , ang sabi ay ibuhos at tabunan sa lupa na parang tubig. Bakit po kaya ganito ang ipinagagawa sa dugo? Para saan po ba itinalaga ng Dios ang dugo?

Lev. 17: 11 Sapagkat ang buhay ay nasa dugo at iniuutos ko na dapat ihandog iyon sa altar bilang pantubos sa inyong buhay.

Ang buhay ay nasa dugo kaya ito itinalaga ng Diyos bilang pangtubos ng kasalanan kaya katulad ng ginagawa noon ng bayang Israel na paghahandog sa dugo ng mga hayop upang linisin ang kanilang kasalanan ay dugo rin ang ipinangtubos ng Panginoong Jesucristo sa ating mga kasalanan;

“Sapagka’t kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman:

“Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihahandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?” (Heb.9:13-14)


Kaya ano ang pagtuturing ng Diyos sa mga taong lumalabag sa aral na ito ?

“Ang sinumang kumain ng dugo ay kapopootan ko at ititiwalag ko sa sambayanan, maging Israelita o dayuhan man.[Lev. 17:10,MB]

Kapopootan ng Dios ang sinumang kumain ng Dugo at ihihiwalay sa kanyang bayan,kaya hindi dapat masumpungan ang sinuman lalo na ang mga kaanib sa loob ng Iglesia ni Cristo sa pagkain ng dugo dahil bilang bayan ng Dios ang mga miyembro nito ang dapat na unang sumunod sa utos na ito. Subalit baka sabihin ng Iba ay sa panahon lang ng Israel ipinaguutos ang pagbabawal sa pagkain ng dugo? Ano rin ba ang itinuro ng mga apostol sa panahong Kristiyano tungkol dito?

Mga Gawa 21:25 (RTPV05)
Tungkol naman sa mga mananampalatayang Hentil, isinulat na namin sa kanila ang aming pasya. Huwag silang kakain ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, huwag kakain ng dugo at ng hayop na binigti, at huwag makikiapid.”


Ito po ang katotohanan tungkol sa pagbabawal ng pagkain ng dugo mula pa sa panahon ng mga unang lingkod ng Dios at kahit pa sa panahon natin ngayon itinuro ito sa atin sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga apostol .

Kaya ang pagbabawal po sa pagkain ng dinuguan ay hindi po gawa gawang aral lamang ng Iglesia ni Cristo sapagkat ito ay nakasulat sa Bibliya.

Ang isa pa na ipinangtutukso sa akin ay hindi ko pag-inom ng alak. Ang totoo halos lahat naman yata ay alam na hindi talaga marapat na masumpungan ang isang kristiyano sa paglalasing kaya lang ay hindi ito masyadong nabibigyan ng importansya ng ilan na ito naman ang binibigyang halaga sa loob ng Iglesia ni Cristo bilang pagsunod sa utos ng Diyos sa lubos na pagbabagong buhay sapagkat ang paglalasing ay isang uri ng kalayawan na ginagawa ng mga taga sanlibutan at ito ang dapat na iwasan ng mga lingkod ng Diyos.

Naaalala ko pa nga noon, kapag uwian galing trabaho at nagkayayaan ng inuman ay hindi nila ako maisama sapagkat wala akong ibang sagot sa kanila kundi "bawal sa amin". Kung minsan ang idinadahilan nila ay pangtanggal daw ng pagod o stress ang kanilang ginagawa kaya nagpapakasaya sila sa paglalasing, pero nakakatawa lang isipin kasi pagdating ng kinabukasan , nariyang may iniindang sakit sa ulo dahil sa hangover at naghahanap ng mauutangan kasi naubos daw ang pera sa inuman , hindi naman nawala ang stress nila kundi nadagdagan pa nga yata. Alam naman ng lahat na wala talagang maidudulot na mabuti sa tao ang paglalasing. Ilang buhay na ba ang nawala, ilang pamilya at buhay na rin ang nasira ng dahil dito, at ito Hindi na isang bagong bagay sapagkat ipinagpauna na ito ng Bibliya ;

Ephesians 5:18 "At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;"

Kaya nga ipinag uutos ng mga apostol na layuan ang ganitong mga gawain sapagkat hindi lamang kaguluhan ang dulot nito kundi ito ay hindi rin ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan;

Mga Taga-Galacia 5:21 (MBB05)
pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.


At iniutos na mamuhay tayo ayon sa kalooban ng Dios upang wag tayong madamay sa mga hahatulan o parurusahan ng Dios.

(1 Pedro 4:2-5) 2"Kaya nga mula ngayon ay mamuhay na tayong sumusunod sa kalooban ng Diyos, at hindi sa nasa ng laman. 3 Sapat na ang panahong inaksaya ninyo sa paggawa ng mga bagay na kinahuhumalingan ng mga Hentil: kahalayan, masasamang nasa ng laman, paglalasing, walang tigil na pagsasaya, pag-iinuman, at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan. 4Nagtataka nga sila kung bakit hindi na kayo sumasama ngayon sa kanilang magulong pamumuhay kaya kayo'y sinisiraan nila,5 ngunit mananagot sila sa Diyos na hahatol sa mga buháy at sa mga patay. "

Ang tinutukoy na paghatol sa mga buhay at patay ay sa pagdating ng araw ng paghuhukom na ito rin ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesucristo.

Dahil hindi ito alam ng marami, at sakaling ito ay kanilang malaman marapat lang na talikuran na nila ang kanilang maling gawain sapagkat kung kanya ng nalalaman ang kautusan at sinasadya pa rin nya ang paggawa ng kasalanan ay wala ng kapatawaran para sa kanyang kasalanan;

Hebreo, 10:26 - Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,
Hebreo, 10:27 - Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway."

Ganito po ang kahihinatnan ng mga taong sa halip na tanggapin ang mga katotohanan ay ipinagwawalang bahala pa ang mga katotohanan na kanilang narinig.

Nais mo bang mag suri pa sa mga aral na nakasulat sa Bibliya?

Bisitahin ang official website ng Iglesia ni Cristo: www.incmedia.org o sumadya sa pinakamalapit na lokal ng Iglesia ni Cristo sa inyong lugar.

Thanks...