Nagsimula ng panginoong Hesukristo ay itatag ang kanyang Iglesia.
Mateo, 16:18 - At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
Tinawag ng mga apostol sunod sa pangalan ng panginoon Hesucristo.
Mga Taga-Roma, 16:16 - Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga Iglesia ni Cristo.
Iglesia ni Cristo ang pangalan, at ito rin ang Iglesia na tinubos ng panginoon ng kanyang dugo.
Gawa 20:28 "Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito'y hinirang kayo ng Espirito Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo"
-Lamsa Translation
Subalit ang Iglesia noon ay hindi nakapagpatuloy samakatwid sila ay natalikod sapagkat ang Iglesia noon ay pinasok ng mga bulaang propeta o tagapangaral at ito ay ipinagpauna ng panginoong Hesus at ng mga apostol na mangyayari.
Mateo, 24:10 - At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa.
Mateo, 24:11 - At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.
Mga Gawa, 20:29 - Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan;
Mga Gawa, 20:30 - At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan.
Ang mga babala na ito ng bibliya sa pamamagitan ng panginoong Hesus at mga apostol ay nangyari nga sa kasaysayan ng Iglesia. Naitala sa kasaysayan ang pagtalikod na ito ng Iglesia noong unang siglo at ito ay makikita sa mga aral na ngayon ay itinataguyod nito. Ito ang mga aral na taliwas sa mga aral na itinuturo ng banal na kasulatan. Ang ilan pa nga dito ay binanggit ng banal na kasulatan.
1 Kay Timoteo, 4:1 - Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,
1 Kay Timoteo, 4:3 - Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.
Subalit kung natalikod man ang unang Iglesia, may panukala naman ang panginoong Hesus tungkol sa kanyang ibang mga tupa na magiging isang kawan o Iglesia at magkakaroon ng isang pastor.
Juan, 10:16 - At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.
Tinawag na ibang mga tupa sapagkat hindi pa sila kaanib sa Iglesia noon sapagkat Sila ay tatawagin pa lamang ng Diyos mula sa malayo.
Mga Gawa, 2:39 - Sapagka't sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.
At sa kanya nga ipinagkatiwala ang huling gawain ng Diyos sa gawang pagliligtas, ang kapatid na Felix Y. Manalo.
Isaias, 46:11 - "Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.”
Hula ang naging patotoo ng kanyang kahalalan, isang taong nagmula sa silanganan ang inihalintulad sa ibong mandaragit sapagkat kanyang aagawin ang mga nasa apoy o kapahamakan.
Judas 1:23 “At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy.....
Ang dako na pagmumulan ay malayong silangan na kinaroroonan ng mga tatawaging anak ng Dios sa mga pulo ng dagat. Ang kinatuparan ng hula ay ang bansang pilipinas, isang bansa sa malayong silangan na binubuo ng mga pulo.
Isaias, 43:5 - Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kanluran;
Isaias 24:15 “Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat.”
Hinulaan din ang panahon ng paglitaw, tinawag na mga wakas ng lupa sapagkat ito ang panahon na malapit ng ang wakas o katapusan ng sanlibutan. Mga senyales ay nangatupad ng lahat, digmaang aalingawngaw na kasasangkutan ng mga bansa laban sa mga bansa at kaharian laban sa kaharian, susundan ng mga paglindol, tagutom, at mga epidemya ng sakit.
Mateo, 24:33 - Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.
Mateo, 24:6 - At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.
Mateo, 24:7 - Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.
Mateo, 24:8 - Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.
Naitala nga sa kasaysayan ng daigdig ang kauna unahang digmaang pandaigdigan noong July 27, 1914 kaalinsabay nito ay sya ring paglitaw sa Pilipinas ng Iglesia ni Cristo ng iparehistro ito ng kapatid na Felix Y. Manalo sa pamahalaan ng Pilipinas. Maaring sabihin ng iba ito ay nagkataon lang, subalit mananatili ang katotohanang ang huling sugo sa katauhan ng kapatid na Felix Y. Manalo at ang Iglesiang ito ang kinatuparan ng hula at sapagkat ang Diyos ang nagpanukala nito, tiniyak din Nya na kanya itong gagawin at papangyayarihin.
Isaias, 46:11 - Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, AKING SINALITA, AKIN NAMANG PAPANGYAYARIHIN; AKING , PINANUKALA, AKIN NAMANG GAGAWIN.
Tunay ako'y mapalad, sapagkat ako ngayon ay bunga ng gawaing pinagpagalan ng sugo. Siya ay nanghawak sa mga pangako ng Diyos na pagtulong sa gawaing ipinagkatiwala sa kanya.
Isaias, 41:9 - Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;
Isaias, 41:10 - Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.
Dalisay na mga aral na mula sa Biblia ang kaniyang itinuro, at kahit ipinagpahinga na ng Diyos ang sugo, patuloy pa rin na tinatanggap ng Iglesia ang mga dalisay na aral ng Diyos sa pamamagitan ng kasalukuyang pamamahala sa katauhan ng kapatid na Eduardo V. Manalo. Hayag na hayag ang pagtatagumpay ng Iglesia sa kabuuan, patunay lang na hawak nya pa rin ang gawaing ito. Walang hanggan, akoy magpapasalamat sa Diyos at sa panginoong Hesukristo sa dakilang kahalalan na kaloob sa akin. At ngayon na ang Iglesia ay sumapit na sa kanyang ika- isang daan at isang taon , ang Iglesia sa kabuuan ay pinagtatagumpay ng Diyos. Subalit hindi maiiwasan na ang Iglesia ay makaranas ng mga pagsubok at mga pag uusig tulad din naman sa panahon ng sugo. Ang Iglesia ngayon ay nililigalig ng mga kaaway upang sirain ang mga aral at pagkakaisa nito. Ang mga ito ay hindi na bagong bagay sa Iglesia, sapagkat dito kami inihahanda ng pamamahala na ipakipaglaban namin ang aming pananampalataya, pag- ibig at pag-asa. Itinuro nila na hindi maka iiwas ang Iglesia sa mga pagsubok at pag uusig sapagkat ipinagpauna na ito ng Diyos.
Zacarias, 13:8 - At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan.
Zacarias, 13:9 - At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.
Ang Iglesia ay nasa matinding pagsubok ngayun para subukin ang mga tunay na mananampalataya at upang linisin ang Iglesia at ito ay maihandang sakdal at walang dungis sa pagsalubong natin sa panginoong Hesukristo. Kaya tulad ng sugo at ng mga naunang kaanib sa Iglesia, panghawakan nating mabuti ang ating kahahalalan upang huwag itong maagaw sa atin.
Ang kahalalan na ito ang tangi kong kayamanan, at sa mga ganitong pagkakataon ay hindi ko makakalimutang gunitain ang aking yumaong ama na siyang nagpamana nito sa amin. Salamat sa kanya at iminulat nya kami sa tunay na Iglesia at ipinakilala sa amin ang tunay na pananampalataya. Kaniyang sinabi noon sa akin; "mahirap man ang buhay natin anak, wag mong pababayaan ang pagsamba sapagkat sa harap ng Diyos tayo ang mapalad, tayo ang may kahalalan sa tunay na pagsamba, ito ang kayamanan natin."
Ang kahalalan na ito ay hindi ko kailanman ipagpapalit sa kahit anung bagay sa mundo, maging anuman ang pagsubok at pag uusig na dumating, sapagkat sa Iglesia lamang ang tunay na kaligtasan dahil ito ang ililigtas ng Panginoong Hesukristo.
Mga Taga-Efeso, 5:32 - Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia.
Mga Taga-Efeso, 5:25 - Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;
Mga Taga-Efeso, 5:23 - Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.
Ako'y patuloy na magtatalaga sa mga gawang paglilingkod sa Diyos at taus sa pusong pasasakop sa pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia.
I AM ONE WITH EVM